Monday, July 26, 2010

Isang Pagmumuni-muni



O kay sarap mabuhay sa mundong ibabaw.
Lalo na kung ang kapaligiran ay puno ng pagmamahalan.
Mga puno’t halaman, hayop, karagatan ay dapat ring pangalagaan.
Upang sa darating na panahon ito’y mapakinabangan.

Bawat nilalang ay binigyang laya.
Para matamasa ang ipinagkaloob na biyaya.
Ito’y mula sa langit ng Poong Dakila.
Walang sawang nagmamahal at nagtitiwala.

Kaya laging bukas ang pinto ng inilaang tadhana.
Maging matatag at h’wag mabahala.
Tibayan ang loob at matutong magpakumbaba.
Manindigan rin sa bawat desisyong ginawa.

Ganyan talaga ang buhay sa mundong ibabaw.
May lungkot, may saya, may sayaw at musika.
Ngunit ang lahat ng ito’y hamon lamang at pansamantala.
Nang sa gayon ay responsibilidad magampanan ng tama.


- Ms. Jing Q. Dela Cruz -
Grade School Faculty